Dating tauhan ng DOJ arestado sa kasong extortion
Arestado ang isang dating tauhan ng Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y pangingikil.
Batay sa inisyal na impormasyon ang suspek ay kinilalang si Louie Miranda.
Ang suspek ay dating nagtra-trabaho sa Witness Protection Program o WPP ng DOJ pero nawala sa trabaho noong taong 2018.
Ang NBI-Special Action Unit ang nagsagawa ng operasyon laban kay Miranda sa isang coffee shop sa Munoz, Quezon City, Martes (Dec. 15) ng gabi.
Nabatid na dati ring nagtrabaho sa Bureau of Customs o BOC ang suspek.
Isasailalim na sa inquest proceedings si Miranda para sa kasong robbery extortion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.