Mga nasunugan sa Maynila nabigyan na ng tulong

By Chona Yu December 16, 2020 - 12:05 PM

Nabigyan na ng tulong ng lokal na pamahalaan ang mga residenteng nasunugan sa Paco, Maynila

May pagkain, tent at iba pang pangunahing pangangailangan na naibigay na sa mga nasunugan na ngayon ay pansamantalang nanunulutan sa Manuel Roxas School.

Pinili naman ng ibang nasunugan na manatili muna sa gilid ng kalsada para hindi na makipagsiksikan sa evacuation center at makaiwas sa COVID-19.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), isang matandang babae ang kumpirmadong nasawi sa sunog.

Nagsaing umano ang biktima subalit nakatulog.

Nagsimula ang sunog kaninang 4:36 ng umaga sa isang resodential area sa bahagi ng Burgos-Zamora.

Pawang gawa sa light materials ang nasunog na bahay kung kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot sa 4th alarm ang sunog bago naideklarang under control alas 7:35 ng umaga.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, manila, Manuel Roxas School, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, manila, Manuel Roxas School, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.