Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa bahagi ng Apayao at Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo December 16, 2020 - 11:19 AM

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa bahagi ng Cagayan at Apayao.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Miyerkules, December 16, yellow warning na ang umiiral sa mga bayan ng Flora, Luna, Pudtol at Santa Marcela sa Apayao, at sa Abulug, Aparri, Ballesteros at Pamplona sa Cagayan.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Amihan.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar.

Samantala nakararanas naman ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Calanasan at Kabugao sa Apayao; Allacapan, Baggao, Buguey, Camalanuigan, Claveria, Gonzaga, Lallo, Penablanca, Rizal, Santa Ana, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan, at sa Maconacon sa Isabela.

 

 

TAGS: Apayao, Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning, Apayao, Breaking News in the Philippines, Cagayan, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.