Pasok sa government offices sa General Santos City suspendido matapos ang magnitude 6.2 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo December 16, 2020 - 10:28 AM

Sinuspinde ang pasok sa lahat ng pasilidad ng gobyerno sa General Santos City.

Kasunod ito ng malakas na magnitude 6.2 na lindol na tumama sa Alabel, Sarangani ngayong Miyerkules (Dec. 16) ng umaga.

Ang suspensyon sa pasok sa trabaho sa gobyerno ay hanggang ala 1:00 ng hapon mamaya.

Ito ay para maisailalim sa inspeksyon ang mga pasilidad ng gobyerno kasunod ng malakas na lindol.

Bubusisiin ang mga gusali ng gobyerno upang matiyak na ligtas gamitin ang mga ito.

 

 

 

TAGS: Alabel, Breaking News in the Philippines, earthquake, General Santos City, government offices, Inquirer News, magnitude 6.2, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Sarangani, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alabel, Breaking News in the Philippines, earthquake, General Santos City, government offices, Inquirer News, magnitude 6.2, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Sarangani, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.