U-turn slot sa tapat ng QC Academy sa EDSA bubuksan ng MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo December 16, 2020 - 09:37 AM

Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mabuksan bago mag-Biyernes (Dec. 18) ang U-turn slot sa tapat Quezon City Academy sa kahabaan EDSA.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic chief, Bong Nebrija, ito ay para maibsan kahit papaano ang masikip na daloy ng traffic sa EDSA ngayong holiday season.

Una nang sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na nag-alok ang local government ng Quezon City na magtatalaga ito ng mga tauhan nila mula sa Department of Public Order and Safety (DPOS) para magmando ng traffic sa naturang U-turn slot.

Maari ding buksan ang maliit na bahagi ng U-turn slot malapit sa Dario Bridge sa Quezon City para madaanan ng emergency vehicles, gaya ng ambulansya.

Umabot na sa pitong U-turn slots sa EDSA ang naisara ng MMDA para maging maayos ang daloy ng traffic sa EDSA busway.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, edsa, Health, Inquirer News, MGCQ, mmda, pandemic, Philippine News, public health concern, QC Academy, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, U turn slot, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, edsa, Health, Inquirer News, MGCQ, mmda, pandemic, Philippine News, public health concern, QC Academy, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, U turn slot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.