Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules, December 16, yellow warning na ang umiiral sa mga bayan ng Calanasan, Luna at Santa Marcela sa Apayao at sa mga bayan ng Abulug, Aparri, Ballesteros, Claveria, Pamplona, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan.
Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Amihan.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar.
Samantala nakararanas naman ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Calayan Island, Camiguin Island, Fuga Island, mga bayan ng Baggao, Gonzaga, Penablanca at Santa Ana sa Cagayan, mga bayan ng Adams, Bangui, Dumalneg, Laoag City, Pagudpud, Piddig, Sarrat at Vintar sa Ilocos Norte, at mga bayan ng Cabagan, Divilacan, Maconacon at Tumauini sa Isabela.