13 nasawi sa panahon ng Semana Santa ayon sa NDRRMC

ndrrmc_logoLabingtatlong katao ang nasawi habang apatanapu’t dalawa ang sugatan sa paggunita ng buong bansa sa Semana Santa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang mga casualty at sugatan ay naitala sa Regions 2, 3, 4-A, 10 at CAR.

Sinabi ng NDRRMC na karamihan sa labingtatlong nasawi ay dahil sa drowning o pagkalunod.

Ang mga biktima ay kinilalang sina: Dennis Guillermo ng Cagayan; Kecy Joyce Campol; Lebino Sama Espara ng Benguet; Sherwin Paraiso ng Quezon; Christian Asitre ng Quezon; Arlene Nepomuceno ng Calauag; Gilbert Maningas Del Rosario ng Batangas; Pearl Yvanna Baldea ng Batangas; at sina Lorenz Kyle Boa, Jimson Boa, Lazaro Boa, John Joseph Mendoza at Herminigildo De Castro, pawang mga taga-Batangas.

Nasa labingsiyam na insidente naman ang namonitor sa mga naturang rehiyon, kung saan siyam sa mga ito ay dahil sa vehicular incidents, isa ay bunsod ng sunog, at siyam ay dahil sa pagkalunod.

 

Read more...