Live-streaming app ng Twitter na Periscope isasara na sa susunod na taon

Inanunsyo ng Twitter ang nakatakdang pag-shut down sa live-streaming app nitong Periscope.

Ang Periscope ay nagsimulang gamitin ng Twitter noon pang taong 2015.

Ayon sa Twitter, isasara na ang Periscope dahil sa pagbaba ng bilang ng mga gumagamit nito sa nakalipas na mga taon.

Hindi na umano kayang i-sustain ang mataas na supporting costs ng app.

Sinabi ng Twitter na aalisin na ang Periscope sa app stores simula sa March 2021.

 

 

 

 

Read more...