Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 12,631

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, December 13), nadagdagan ng 72 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 12,631.

Sa nasabing bilang 433 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay ndagdagan ng 4 kaya umabot na ito sa 479.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 13,543 na.

Read more...