Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 16,378 na

By Mary Rose Cabrales December 16, 2020 - 04:35 AM

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Martes, December 15, 12NN), 16,573 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 406 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 662.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 17,641.

Samantala, nasa 8,497 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, laguna, coronavirus, COVID-19, Health, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.