Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 65,750
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (December 15, 3:00 PM) nakapagtala ng 201 na bagong kaso kaya pumalo na sa 65,750 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,317
Laguna – 17,597
Batangas – 11,176
Rizal – 13,814
Quezon – 5,846
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,225.
Nasa 58,710 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 161 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,179
Laguna – 16,134
Batangas – 10,390
Rizal – 12,130
Quezon – 4,877
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 1,815 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 470
Laguna – 398
Batangas – 329
Rizal – 445
Quezon – 173
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.