Pagpapatayo ng Aerocity Airport sa Bulacan, hiniling sa SC na ipatigil

By Jan Escosio December 15, 2020 - 10:14 PM

Hiniling ng mga mangingisda ng Bulacan sa Korte Suprema na ipatigil ang pagpapatayo ng New Manila International Airport o ang Aerocity Airport project sa Bulakan, Bulacan.

Sa petisyon para sa Writ of Kalikasan, sinabi ng mga mangingisda mula sa nabanggit na bayan, ang 2,500 ektaryang pagtatayuan ng bagong paliparan ay kinikilalang forestland at permanent forestland ng National Mapping and Resource Information.

Diin ng mga naghain ng petisyon, lalabagin ng proyekto ang napakaraming environmental laws dahil sa masisira ang kalikasan.

Sakop anila ng proyekto ang kinikilalang forest and permanent forest land na protekta ng Republic Act 4701 o ang An Act Declaring a Portion of the Foreshore Fronting Manila Bay Along the Province of Bulacan as Bulacan Fishing Reservation.

Malalabag din, ayon sa petisyon, ng proyekto ang Republic Act 7160 o ang Local Government Code.

TAGS: Aerocity Airport, Aerocity Airport in Bulacan, environmental laws, Inquirer News, Local Government Code, New Manila International Airport, Radyo Inquirer news, Republic Act 4701, Republic Act 7160, Supreme Court, Aerocity Airport, Aerocity Airport in Bulacan, environmental laws, Inquirer News, Local Government Code, New Manila International Airport, Radyo Inquirer news, Republic Act 4701, Republic Act 7160, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.