Sen. Lacson, pinuna ang bisyo ng gobyerno na pag-utang
Hinanap ni Senator Panfilo Lacson ang naibunga ng trilyun-trilyon pisong inutang ng gobyerno.
Ito ay matapos punahin ng senador ang tila bisyo ng pag-utang ng gobyerno ngunit wala naman aniyang naibubunga ang lahat.
“When I first became a senator in 2001, our national government’s outstanding debt was P2.88 trillion. Over the Arroyo, Aquino and Duterte administrations, it has ballooned to P10.027 trillion as of October this year, from P8.2 trillion at end-2019,” ayon sa senador.
Aniya, napakahirap lunukin ang pahayag ng Malakanyang na maghahanap pa ng pondo na ipambibili ng pondo sa mga bakuna kontra COVID-19.
Sinabi niya sa huling 10 buwan, bumilis nang husto ang pag-utang ng gobyerno na umabot sa karagdagang P1.8 trilyon.
Ibinahagi nito na kahit ang U.S. ay umutang ng $27 trillion, mararamdaman naman sa mga imprastraktura at serbisyo.
“In our case, we have expressways and skyways but they are provided and maintained by the private sector. Tayo, utang ng utang, toll naman ng toll,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.