COVID-19 cases sa Western Visayas, higit 20,800 na
Nagpositibo ang 37 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang December 15, umakyat na sa 20,802 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
1,535 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 82.02 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
101 naman ang gumaling pa kaya 18,653 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 609 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.