Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa 683

Nagkaroon pa ng 13 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang December 15, 24,539 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 683 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 17 ang bagong gumaling kung kaya 22,449 na ang COVID-19 recoveries.

Walo ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,407 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...