LOOK: Abiso ng DOH kasunod ng pagsisimula ng Simbang Gabi
Naglabas ng abiso ang Department of Health (DOH) sa publiko kasunod ng pagsisimula ng Simbang Gabi.
Sinabi ng kagawaran na hangga’t maaari, bawasan ang contact rate o iwasang magkaroon ng exposure sa pamamagitan ng pag-attend ng online masses sa halip na in-person gathering.
Sa mga pisikal na dadalo sa misa, istriktong sundin ang minimum public health standards.
Kabilang dito ang physical distancing kung saan may isang metrong layo sa bawat tao, pagsuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar sa lahat ng oras, paglimita sa haba ng aktibidad o exposure at pagtitiyak na may ventilation sa lugar.
Iwasan din ang high risk activities tulad ng pagdaraos sa mga saradong lugar o may poo ventilation, mga aktibidad na may kantahan at sigawan at iba pang aktibidad na posibleng magkaroon ng physical contact.
Base sa IATF-EID Omnibus Guidelines, pwedeng magdaos ng religious gathering sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:
– Hindi bababa sa lima katao sa isang lugar na nasa MECQ
– Hindi hihigit sa 30 porsyento ng seating capacity sa mga lugar na nasa GCQ
– Hindi hihigit sa 30 porsyento ng seating capacity sa mga lugar na nasa MGCQ
Ayon sa DOH, ang mga pagtitipon katulad ng Simbang Gabi ay maaaring maging ‘superspreader events.’
“The government is preparing for a post holiday surge and it is best to avoid events that could overwhelm our health system and capacity to respond as a whole,” pahayag ng kagawaran.
Dagdag pa nito, “the DOH is not prohibiting holiday celebrations, but we call on everyone to think of safety – our own and our loved ones – as we enjoy the season.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.