Bahagi ng Cavite, Makati at Maynila, mawawalan ng kuryente bukas

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2016 - 06:51 AM

June 16, 2014 Black Out-the Molanida Family of Bgy. 101 in Vitas Tondo had their dinner in the dark during a massive black out in the Metro, after Typhoon Glenda's powerful winds on Wednesday, July 16 INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ

May nakatakdang power interruption na ipatutupad ang Meralco sa ilang bahagi ng lalawigan ng Cavite, at sa lungsod ng Makati at Maynila bukas, March 2, araw ng Linggo.

Sa abiso ng Meralco, tatagal ng limang oras ang power interruption sa ilang bahagi ng Cavite, na magsisimula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.

Apektado ng interruption ang bahagi ng PEZA drive mula sa Meralco – FCIE substation hanggang sa Governor Driver kabilang ang KLT fruits, Gloibal Eco – Lighting Solutions, Yumex Philippines, Greatech Philippines, Isuta Philippines, Reno Gloves, Precise PartsCooperation INc., at Teamquest Technology sa First Cavite Industrial Estate.

Sa Makati City naman alas 9:00 idn ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang nakatakdang power interruption bukas.

Apektado ang bahagi ng S. Osmena St., mula sa F. Zobel St. hanggang sa E. Zobel St., kabilang ang Nuestra Casa Condominium sa Barangay Poblacion.

Samantala sa Maynila, alas 8:00 hanggang ala 1:00 naman ng hapon ang nakatakdang power interruption bukas. Apektado naman ang bahagi ng Tangque St., malapit sa United Naations Avenue.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.