Siyam pang residente sa Muntinlupa, gumaling sa COVID-19

Umabot na sa 5,025 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Martes ng hapon (December 15), sa nasabing bilang ay 48 ang aktibong kaso.

241 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 40 ang suspected cases.

Samantala, 4,814 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 163 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...