May LPA na posibleng mabuo ngayong linggo – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Inihayag ng PAGASA na posibleng mayroong mabuong low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa ngayong linggo.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, mamumuo ang LPA sa Silangang bahagi ng Mindanao sa araw ng Huwebes o Biyernes.

Sa darating na weekend, tatawid ang LPA sa northern Mindanao – southern Visayas area patungo sa Sulu at Palawan hanggang makalabas ng West Philippine Sea sa araw ng Linggo.

Sinabi ni Estareja na malabo namang maging bagyo ang mabubuong LPA.

Dahil dito, asahan aniyang makararanas ng maulang panahon sa mga susunod na araw.

Epekto aniya ito ng LPA, tail-end of frontal system, Northeast Monsoon o Amihan at Easterlies.

Patuloy aniyang lumalakas ang Amihan na nagdadala ng malamig na panahon sa Northern portion ng Luzon.

Easterlies naman o hangin galing sa Pacific Ocean na nagdudulot ng mainit ng temperatura o bahagyang pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Samantala, ang tail-end of frontal system ang nagdadala ng maulap na kalangitan at pulo-pulong pag-ulan sa Eastern section ng Northern Luzon.

Read more...