Halos 100 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19
Nasa 96 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 15, nasa 12,446 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,516 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 37 naman ang bagong gumaling kung kaya 8,069 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 861 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,553 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,535 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 774 naman ang kaso sa Americas at 2,584 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.