BREAKING: Mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 451,000 na

Hindi muli bababa sa 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (December 15), umabot na sa 451,839 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 24,160 o 5.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,135 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.4 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 56 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,812 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 173 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 418,867 o 92.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...