29 patay, 60 sugatan sa suicide bombing sa Iraq

al-iskanderiyahIsang suicide bomber ang umatake sa isang soccer stadium sa Al-Iskanderiyah, Iraq na ikinasawi ng 29 katao at ikinasugat naman ng 60 iba pa.

Naganap ang pag-atake Biyernes, habang mayroong soccer match na nagaganap sa loob ng stadium.

Kinumpirma ito ng mga Iraqi security officials na tumangging magpakilala dahil hindi sila otorisadong magsalita sa media, habang ang mga medical officials naman ang nag-kumpirma ng dami ng mga nasawi at nasugatan.

Bagaman walang agad na umako ng responsibilidad sa pagpapasabog, hinihinalang Islami State ang nasa likod nito na nagpapairal ng mga suicide bombings sa loob at paligid ng Baghdad, Iraq.

Ito ay dahil ang mga pwersa ng pamahalaan ng Iraq at mga kaalyansa nito ay lumalaban sa kanila sa dakong hilaga at kanlurang bahagi ng bansa.

Read more...