Halaga ng naibigay na Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, umabot na sa P64-M
Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.
Sa datos hanggang 8:00, Lunes ng gabi (December 14), umabot na sa 11,458 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.
Dahil dito, umabot na sa higit P64 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.
Samantala, higit P863.7 milyon naman ang naipamahagi sa 129,874 na karagdagang benepisyaryo.
Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.