32 million Globe customers pinakikinabangan na ang network upgrades ng kumpanya

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2020 - 01:15 PM

Aabot sa 32 milyong Globe customers ang nakararanas na ngayon ng mas maayos na serbisyo sa network.

Kasunod ito ng ikinasang network upgrade ng Globe sa nasa 80 mga lalawigan sa bansa sa nakalipas na 11 buwan.

Ayon sa pahayag ng Globe, sa isinagawang site installations at site upgrades aabot sa 32 million customers ang nakikinabang na sa maayos na call, text at data services.

Naisagawa ang updgrade sa nasa 1,098 na lungsod at munisipalidad sa Metro Manila at 80 lalawigan sa bansa kabilang ang Sulu, Dinagat Islands, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Apayao, Abra, at Compostela Valley.

Ang Quezon City umabot sa 99 ang bagong installations.

Kamailan, nakapagsagawa din ang Globe ng LTE expansion sa 19 na lalawigan sa Mindanao kabilang ang Davao del Sur, Basilan, Zamboanga Sibugay, Sulu at Tawi-Tawi.

Gayundin sa mga bayan ng Siasi at Pandami sa Sulu, Albuera sa Leyte, Initao sa Misamis Oriental, Malapatan sa Sarangani, Dangcagan at Malaybalay sa Bukidnon.

Ayon sa Globe sa kabuuan, nakapagtayo sila ng 1,050 na bagong cell sites at nakapag-upgrade ng 10,876.

“These network roll-outs will be a big boost to communities that are still reeling from the demands and restrictions of the pandemic. By making 4G/LTE as pervasive as possible our customers will have better data experience and faster connectivity. Our LTE upgrades will also improve the indoor voice experience of our customers as they start using VoLTE and VoWiFi,” ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group ng Globe.

 

 

 

TAGS: BUsiness, Globe, network upgrade, BUsiness, Globe, network upgrade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.