Mayor Isko Moreno may dobleng pamaskong handaog sa mga taga-Maynila

By Chona Yu December 15, 2020 - 01:06 PM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Doble o triple ang biyayang matatangap ng mga taga Maynila ngayong Pasko.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay dahil sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na maayudahan ang mga residente ng Maynila.

Kahapon lamang, sinimulan na ni Mayor Isko ang pamimigay ng Christmas food pack para sa 650,000 na pamilya.

Ayon kay Mayor Isko ang mga senior citizen sa Maynila ay may:

1. Christmas pack for family
2. Financial assistance na P3,000 hanggang P6,000
3. 5-kilos organic rice
4. Christmas pack pa for seniors

Kung may anak na solo parent ang isang senior citizen o nag-aaral sa Universidad de Maynila at Pamantasang Lungsod ng Maynila o may senior high school na kasama sa bahay, may dagdag na ayuda pa ang lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

TAGS: Christmas, manila, Mayor Isko Moreno, Christmas, manila, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.