Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat ilagay din sa listahan kung
mayroong extra charge sa certification para malaman ng publiko kung magkano ang kabuuang babayaran para sa PCR test.
Dapat kasi aniyang magkaroon ng absolute pricing transparency sa COVID test.
Pangako ni Roque, paulit-ulit niyang babanggitin sa regular press briefing ang mga laboratoryo at ospital na naniningil lamang ng COVID test ng hanggang dalawang P2,000 para may mapagpilian ang publiko.
Kasabay nito, hinihimok ng palasyo ang publiko na ipagbigay-alam kapag may na-monitor na mga laboratoryo o ospital na mahal na naniningil sa COVID test.
May executive order na kasi aniya na inilabas si Pangulong Duterte para sa price cap sa COVID test.