Presyo ng COVID-19 test ipinalalagay sa website ng DOH

By Chona Yu December 15, 2020 - 10:59 AM

Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang Department of Health (DOH) na ilagay sa kanilang website ang presyo ng COVID-19 test ng 191 licensed public and private laboratories sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat ilagay din sa listahan kung
mayroong extra charge sa certification para malaman ng publiko kung magkano ang kabuuang babayaran para sa PCR test.

Dapat kasi aniyang magkaroon ng absolute pricing transparency sa COVID test.

Pangako ni Roque, paulit-ulit niyang babanggitin sa regular press briefing ang mga laboratoryo at ospital na naniningil lamang ng COVID test ng hanggang dalawang P2,000 para may mapagpilian ang publiko.

Kasabay nito, hinihimok ng palasyo ang publiko na ipagbigay-alam kapag may na-monitor na mga laboratoryo o ospital na mahal na naniningil sa COVID test.

May executive order na kasi aniya na inilabas si Pangulong Duterte para sa price cap sa COVID test.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, COVID-19 test, department of health, doh, Health, Inquirer News, licensed public and private laboratories, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, COVID-19 test, department of health, doh, Health, Inquirer News, licensed public and private laboratories, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.