Senior IS leader, napatay ng US – Sec. Ash Carter

By Kathleen Betina Aenlle March 26, 2016 - 03:00 AM

(AP Photo/militant website, File)
(AP Photo/militant website, File)

Kinumpirma ni US Defense Sec. Ash Carter na napatay nila ang isang senior leader ng Islamic State group, kasama na ang iba pang mga miyembro nito.

Kinilala ni Carter ang nasabing senior IS leader na si Haji Imam na sinasabing finance minister ng teroristang grupo.

Isang kilalang terorista aniya si Haji na may kinalaman sa mga teroristmo sa labas ng Iraq at Syria.

Ayon kay Carter, bagaman napapalitan ang mga pinuno, ang kanilang mga napatay ay mga beterano na sa terorismo at matagal na sa organisasyon.

Hindi naman tinukoy ni Carter kung sa Iraq o sa Syria nila napatay ang nasabing finance leader.

Ilang pinuno at matataas na opisyal na rin ng IS ang napatay ng mga US military nitong mga nagdaang buwan, tulad na lamang ng sinasabing minister of war ng IS na si Omar al-Shishani sa isang airstrike sa Syria nitong buwan lamang.

Noong November naman, inanunsyo ng Pentagon na patay sa kanilang airstrike si Abu Nabil na isang mataas rin na pinuno sa IS.

Ayon naman kay Joint Chiefs of Staff Gen. Joseph Dunford, wala pang malaking pagbabago sa kanilang mga hakbang sa Iraq, ngunit tiniyak niya na pinapaigting na nila ang kanilang kampanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.