COVID-19 recoveries sa Quezon City, nasa 24,813 na
May naitala pang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,496 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Martes (Dec. 15).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QC-ESU at district health offices.
Samantala, nasa 939 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
24,813 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 744 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 21,998 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.