BOC pinaghahandaan ang posibilidad na pagkakaroon ng port congestion
Pinaghahandaan na ng Bureau of Customs (BOC) ang posibilidad na pagkakaroon ng port congestion matapos ang pagpapairal na muli ng truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Dahil sa muling pagpapatupad ng truck ban, nagpahayag ng pagkabahala ang grupo ng mga trucker na maaring magkaroon ng port congestion.
Ayon sa BOC, patuloy ang pagpapairal nila ng yard utilization rate na salig sa global standard rate na hindi lalagpas sa 70%.
Simula noong December 1 hanggang 13, ang average yard utilization sa Manila International Container Port (MICP) ay napanatili sa manageable level na 75%.
Lumitaw din sa Time-Release Study na sa MICP na ang actual average release ng mga kargamento ay umaabot lang ng 2 days, 10 hours and 3 minutes mula sa proseso ng submission ng Goods declaration hanggang sa issuance of clearance.
Umaabot naman ng 3 days, 13 hours, and 29 minutes ang proseso sa exportation.
Patuloy din ang close coordination ng BOC sa Shipping Lines and Terminal Operators para masigurong hindi magkakaroon ng port congestion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.