Water level sa Pamplona River sa Cagayan malapit na sa critical level

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2020 - 08:59 AM

Dahil sa nararanasang may kalakasang pag-ulan simula pa kagabi pataas ng pataas ang water level sa Pamplona River sa Cagayan.

Sa abiso ng Pamplona LGU, nasa Orange Warning level na ang Pamplona River alas 8:15 ng umaga ngayong Martes, December 15 dahil ang water level nito ay nasa 5.2 meters na.

Inabisuhan ang mga residente na maging alerto at maghanda sa maaring maging epekto ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig.

Itataas sa critical Red Level ang ilog sa sandaling umabot sa 5.5 meters ang antas nito.

 

 

 

 

TAGS: Cagayan, Pamplona, Pamplona River., water level, Cagayan, Pamplona, Pamplona River., water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.