Pangunahing suspek sa pagpatay sa isang abogado sa Cebu City naaresto na ng NBI
Labinglimang araw matapos ang pagpatay sa Cebu-based lawyer na si Atty. Joey Luis B. Wee sa Cebu City, nadakip na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pangunahing suspek sa krimen.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor naaresto ang suspek na si Fausto Edgar Peralta sa kaniyang hideout sa Cabuyao, Laguna.
Si Peralta ay positibong kinilala ng asawa ng biktima.
Ayon kay Distor, tinutugis pa ngayon ng NBI ang iba pang suspek sa kaso.
Ang biktimang si Wee ay tinambangan noong November 23 habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina sa Kasambangan, Cebu City.
Agad natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at sasakyang kanilang ginamit batay sa CCTV footages sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.