Pagpapalawig sa Bayanihan 2 aprubado na sa final reading sa Kamara
Inaprubahan na sa huling pagbasa sa Kamara ang panukalang palawigin ang RA 11494 o Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) hanggang sa June 30, 2021.
Sa botong 179-6 at walang abstention, naipasa sa huling pagbasa ang House Bill 8063 na layong palawigin ang validity ng Bayanihan 2 na nakatakdang mapaso sa December 19.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukala.
Batid din aniya ng Kamara ang kahalagahang mapalawig ang Bayanihan 2 para sa socioeconomic recovery ng bansa.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglaan ng stimulus package na P140 billion sa regular appropriation at P25 billion na standby fund para sa pagtugon ng bansa sa pandemya ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.