Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 12,559

By Mary Rose Cabrales December 15, 2020 - 04:25 AM


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, December 13), nadagdagan ng 48 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 12,559.

Sa nasabing bilang 424 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay ndagdagan ng 1 kaya umabot na ito sa 475.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 13,458 na.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Rizal, coronavirus, COVID-19, Health, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.