Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 65,549

By Mary Rose Cabrales December 15, 2020 - 04:30 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (December 14, 3:00 PM) nakapagtala ng 302 na bagong kaso kaya pumalo na sa 65,549 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,312
Laguna – 17,574
Batangas – 11,147
Rizal – 13,701
Quezon – 5,815

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,189.

Nasa 58,549 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 278 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,179
Laguna – 16,106
Batangas – 10,365
Rizal – 12,048
Quezon – 4,851

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 1,811 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 470
Laguna – 397
Batangas – 328
Rizal – 445
Quezon – 171

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health, calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.