Baril na ginamit sa pagpatay kay Los Baños Mayor Perez, natukoy na ng PNP

By Jan Escosio December 14, 2020 - 10:35 PM

INQUIRER file photo / KIMMY BARAOIDAN

Isang caliber 5.56mm na baril ang ginamit sa pagpatay kay Los Baños Mayor Caesar Perez, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Police Brig. Gen. Steve Ludan, director ng PNP Crime Laboratory na ito ay base sa isinagawa nilang ballistic examination sa metallic fragments na nakuha nila sa katawan ng pinaslang na alkalde.

Dagdag pa nito, naipasok na rin nila ang mga ebidensiya sa Firearms Identification System ngunit walang lumalabas sa kanilang record.

Paliwanag ni Ludan, may posibilidad na hindi rehistrado ang baril na ginamit sa krimen.

Base sa autopsy reports, may mga tama ng bala sa ulo, katawan at kanang balikat si Perez.

Nailibing ang alkalde noong nakaraang Sabado at nag-alok ang kanyang pamilya ng P1 milyong pabuya para sa makakapagturo sa salarin.

Naisama sa ‘narco-list’ na isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte si Perez.

TAGS: ballistic examination, Inquirer News, Mayor Caesar Perez, Mayor Caesar Perez murder, PNP Crime Laboratory, PNP investigation on Perez case, Radyo Inquirer news, slain mayor, ballistic examination, Inquirer News, Mayor Caesar Perez, Mayor Caesar Perez murder, PNP Crime Laboratory, PNP investigation on Perez case, Radyo Inquirer news, slain mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.