Seguridad sa Simbang Gabi pag-uusapan ng PNP, Simbahan
Inutusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas ang lahat ng police commanders sa bansa na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Simbahan sa kanilang nasasakupan para sa ligtas at maayos na pagselebra ng mga Simbang Gabi.
Ayon kay Sinas, napakahalaga na masunod ang guidelines na inilabas ng IATF para sa pagdaraos ng Simbang Gabi, partikular na ang paglimita sa 30 porsiyento sa kabuuan ng kapasidad ng simbahan para sa mga magsisimba.
Ito naman aniya ay para sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) kasama ang Metro Manila.
“All chiefs of police, city and provincial directors were directed to coordinate with rectors and parish priests on the Misa de Gallo, locally called Simbang Gabi, in order to impose the directive of the IATF,” sabi ni Sinas.
Diin nito, walang problema sa Simbahang Katoliko dahil lahat ng mga pari ay sumusunod sa mga direktiba ng gobyerno.
Gayunpaman, daragdagan pa rin ang bilang ng mga pulis na magbabantay sa mga simbahan para matiyak na masusunod ang safety and health protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.