Magkapatid na nasa likod ng pag-atake sa Belgium nasa terror list ng U.S.

(Belgian Federal Police via AP)
(Belgian Federal Police via AP)

Nakalista sa American terrorism data base ang magkapatid na respinsable sa pag-atake sa Brussels, Belgium.

Si Ibrahim at Khalid El Bakraoui ay kapwa kabilang sa “potential terror threat” at nakalista sa database ng U.S.

Hindi naman tinukoy sa ulat kung sa anong partikular na U.S. terrorism databases kasama ang magkapatid.

Bago ang pagpapasabog, ang makapatid ay mayroon nang mga kasong may kaugnayan sa carjacking, robbery, at pakikipagbarilan sa mga pulis.

Si Ibrahim El Bakraoui na nagsagawa ng suicide bombing sa Brussels airport ay napadeport noong July 2015 ng Turkey patungong Netherlands.

Ito ay matapos siyang matukoy bilang “foreign terrorist fighter”.

Habang si Khalid El Bakraoui na pinasabog ang sarili sa metro station ay subject international arrest warrant for terrorism noong pang buwan ng Disyembre.

 

Read more...