Tatlong weather system, patuloy na nakakaapekto sa bansa – PAGASA
Patuloy na nakakaapekto ang tatlong weather system sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.
Sinabi sa weather forecast ni PAGASA weather specialist Chris Perez na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern Luzon.
Dahil dito, asahan ang maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Samantala, umaabot naman ang tail-end of frontal system sa eastern section ng Central at Southern Luzon.
Bunsod nito, posibleng maranasan sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley, buong CAR, Aurora ang pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, pagkulog, gayundin sa Davao region, Caraga, Eastern at Central Visayas.
Maliban dito, easterlies naman ang nakakaapekto sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.
Ani Perez, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas pa rin ang panahon na may tsansa lamang aniya ng isolated rainshowers o thunderstorms.
Sinabi pa ng weather bureau na walang namo-monitor na sama ng panahon o bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.