Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Sarangani, Lunes ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 4 kilometers Northwest ng Malungon.
Tumama ang pagyanig dakong 7:33 ng gabi.
May lalim itong 19 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Malungon at mga karatig-bayan.
Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.