Mga gumaling na Filipino abroad sa COVID-19, sumampa na sa 8,000
Nasa 42 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 14, nasa 12,350 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,457 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 35 naman ang bagong gumaling kung kaya 8,032 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
May isa namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 861 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,547 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,451 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 773 naman ang kaso sa Americas at 2,579 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.