RFID installation sa Bocaue, Bulacan inilunsad

By Angellic Jordan December 14, 2020 - 05:03 PM

Photo credit: Bocaue LGU/Facebook

Naglunsad ang pamahalaang bayan ng Bocaue sa Bulacan ng radio-frequency identification o RFID installation.

Ayon kay Mayor Jose Santiago Jr., layon nitong mailapit sa mga residente ng Bocaue ang pagkakabit ng RFID para sa mabilis at maginhawang installation nito at maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.

Sa tulong nito, hindi na aniya kakailanganing magtungo ng mga taga-Bocaue sa SLEX para magpakabit nito.

“Minabuti nating ilapit ito para makatulong. Ako mismo kasi nahirapan sa pagpapakabit,” pahayag ng alkalde.

Sinabi ni Santiago na nakipag-ugnayan na siya sa San Miguel Corporation.

Maaaring makapagpakabit ang mga residente ng Bocaue sa harap ng munisipyo ng naturang bayan at sa iba pang lugar sa Bocaue.

TAGS: cashless transaction, Inquirer News, Mayor Jose Santiago Jr., Radyo Inquirer news, RFID installation, toll roads, cashless transaction, Inquirer News, Mayor Jose Santiago Jr., Radyo Inquirer news, RFID installation, toll roads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.