Raids sa Belgium, nakahuli ng 6 na hinihinalang suspek
Anim na katao na ang naaresto ng mga opisyal ng Belgium, na resulta ng mga sunud-sunod na raid na kanilang isinagawa matapos ang Brussels attacks.
Sa isang pahayag, sinabi ng mga federal prosecutors na naaresto ang mga hinihinalang suspek sa mga raids sa central Brussels, Jette at Schaerbeek.
Nasabat ng mga pulis ang sandamakmak na mga pampasabog at iba pang ginagamit sa paggawa ng bomba sa isang apartment sa Schaerbeek, at pinaghihinalaang ito ang mga ginamit ng mga suicide bombers.
Lumabas na rin ang kapatid ni Najim Laachraoui na si Mourad, isang Taekwondo talent sa Belgium, at sinabing labis niyang ikinagulat at ikinalungkot ang kinasangkutan ng kaniyang kapatid.
Parehong takot at lungkot ang naramdaman ng kanilang pamilya na wala na umanong naging komunikasyon kay Najim simula nang umalis ito patungong Syria noong 2013.
Ang alam lang niya aniya ay isang mabuting tao ang kaniyang kapatid, at wala siyang ideya kung paano humantong sa ganito si Najim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.