CHR, kinondena ang pag-ambush sa isang pulis at bilanggo sa Samar
Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay sa isang pulis at bilanggo sa Marabut, Samar.
Batay sa ulat, pinagbabarl ng nga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang police vehicle kung saan nakasakay ang mga biktima.
Nasawi sa insidente ang pulis na si Capt. Earl Hembro habang sugatan naman si Nestor Lumagpas Jr.
Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CHR Regional Office 8 sa insidente.
Lagi aniyang bukas ang kanilang tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa pulisya para mapabilis ang paghuli sa mga responsable sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.