48 pang COVID-19 recoveries, naitala sa Eastern Visayas

Walang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 11:00, Lunes ng umaga (December 14), nanatili sa 9,506 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 542 o 5.70 porsyento ang aktibong kaso.

48 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 8,857 o 93.17 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 107 na ang mga residenteng nasawi o 1.13 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...