Ito ay para sa pagbili ng bansa ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., naging mabunga ang kanyang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Sinovac noong Biyernes.
25 million doses ng bakuna ang bibilhin ng Pilipinas sa China sa 2021.
Nangako aniya ang Sinovac na susuplayan ang Pilipinas ng bakuna sa Abril 2021 pero iginiit ng pamahalaan na agahan pa sana at gawin itong Marso.
Kung sakali, sinabi ni Galvez na ang bakunang gawa ng China ang maaaring unang magamit sa Pilipinas.
May iba pa aniyang negosasyon na ginagawa ang Pilipinas sa ibang bansa para sa pagbili ng bakuna.