Pakikipag-negosasyon ng gobyerno sa Sinovac Biotech, isinasapinal na

By Chona Yu December 14, 2020 - 02:25 PM

Isinasapinal na ng pamahalaan ng Pilipinas sa loob ng linggong ito ang pakikipag-negosasyon sa kumpanyang Sinovac Biotech sa China.

Ito ay para sa pagbili ng bansa ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., naging mabunga ang kanyang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Sinovac noong Biyernes.

25 million doses ng bakuna ang bibilhin ng Pilipinas sa China sa 2021.

Nangako aniya ang Sinovac na susuplayan ang Pilipinas ng bakuna sa Abril 2021 pero iginiit ng pamahalaan na agahan pa sana at gawin itong Marso.

Kung sakali, sinabi ni Galvez na ang bakunang gawa ng China ang maaaring unang magamit sa Pilipinas.

May iba pa aniyang negosasyon na ginagawa ang Pilipinas sa ibang bansa para sa pagbili ng bakuna.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 response, COVID-19 vaccine from China, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sinovac Biotech, Sinovac from China, covid 19 vaccine, COVID-19 response, COVID-19 vaccine from China, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sinovac Biotech, Sinovac from China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.