Unang batch ng COVID-19 vaccines dumating na sa Canada
Dumating na sa Canada ang unang batch ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, sa lalong madaling panahon ay sisimulan na ang pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan.
Ibinahagi din ni Trudeau sa kaniyang Twitter account ang larawan ng cargo plane na naglululan ng mga bakuna ng Pfizer Inc at BioNTech SE.
Ang unang 30,000 doses ay ipakakalat sa 14 na sites sa Canada.
Uunahing bakunahan ang most vulnerable people kabilang ang mga may edad na na nasa long-term care facilities at ang mga healthcare worker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.