Sinimulan na ng lokal na pamahalan ng Makati City ang murang RT PCR test para sa COVID-19.
Nagkakahalaga lamang ang COVID test sa Makati ng P2,950.
Mas mura ito sa COVID test sa mga pribadong clinic at hospital na umaabot sa P4,500 hanggang P8,500
Bukas ito sa mga residnete at nagtatrabaho sa Makati City.
Ayon kay Doctor Roland Unson, Assistant City Health Officer ng Makati city, maari lamang mag log in sa website na www.safemakati.com at magpa-schedule ng appointment at magbayad sa Banco De Oro.
Dalawa hanggang apat na araw maaring lumabas ang resulta at ipapadala sa pamamagitan ng electronic mail.
Sinabi naman ni Makati city mayor abby binay na maaring makipag ugnayan ang mga malalaking kompanya sa lokal na pamahalaan para sa pooled swab test.
Kapag aniya ang “pooled PCR tests” ay may sampung indibidwal, maaring bumaba pa ang presyo ng hanggang isang libong piso bawat isa.
Sinamantala naman ni Emilisa Dayag ang murang swab test sa Makati City.
Naiiyak na nagpa-swab si Emilisa dahil noong Abril lamang namatay sa COVID-19 ang kanyang inang si Vicencia Dayag.
Nagpositibo rin sa COVID-19 ang kaniyang amang si Emilio Dayag at ang kanyang kapatid na si May Dayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.