Grupo ng mga health worker sumugod sa DBM

By Chona Yu December 14, 2020 - 11:44 AM

Sumugod sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga grupo ng mga health worker.

Ito ay para kalampagin ang DBM na i-release na ang kanilang performance based bonus noon pang taong 2018 at 2019.

Ayon kay Jever Bernardo, presidente ng National Children’s Hospital Employees Association – Alliance of Health Worker, dismayado na ang kanilang hanay dahil sa hindi maayos na pagtrato sa kanila ng pamahalaan.

Bukod sa PBB humihirit din ang mga health workers na ibigay na ang hazard pay at special risk allowance.

Ayon naman kay Cristy Donguines, presidente ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union dapat din na itaas ang sahod ng mga manggagawa na nasa sektor ng pangkalusugan.

Demoralisado na aniya ang mga health workers dahil sa hindi patas at hindi pagbibigay ng health benefits.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, DBM, Inquirer News, Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union, National Children's Hospital Employees Association, performance based bonus, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, DBM, Inquirer News, Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union, National Children's Hospital Employees Association, performance based bonus, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.